John Lloyd is now John Old?

Posted on Updated on

Sa mga nakapanuod ng #ThatThingCalledTadhana, may tagpo doon kung saan tinanong ni JM De Guzman si Angelica Panganiban kung bakit andaming babae ang nababaliw kay John Llyoyd Cruz?  Si John Lloyd and kasalukuyang kasintahan ni Angelica.

jl

Nagkatuwaan ang magkasintahan at gumawa ng sariling dubsmash version ng usapan ni Angelica at JM sa naturang pelikula.

Dito makikita ang itsura ngayon ni Lloydy. Malaki ang pinagbago niya. Mula sa matinee idol look, ngayon ay mukhang nag mature na ang kanyang looks. Nahahawig na nya si Mark Gil. Mukhang bagay na syang gumanap ng tatay roles.

Sadya palang nagpashave ng buhok si JL para sa pelikulang “Honor Thy Father” sa direksyon ni Erik Matti. Unang inoffer kay DingDong Dantes ang role at ipinagtataka nya din kung bakit bigla syang pinalitan.

(JL with Direk Erik Matti courtesy of Star Cinema)

Mapapanuod si JL sa Home Sweetie Home kapareha si Toni Gonzaga at huling napanuod naman sa pelikulang The Trial (2014).

Sadya pala namang nagpamature eh! 🙂 Walang problema, marami pa tayong dapat abangan sa binatang aktor na ito. 🙂

Leave a comment