Why Manny is a Huggable Opponent?
Matapos ang limang taon na pag hihintay ay natunghayan ng lahat ang pinakamalaking boxing event sa kasaysayan. Ito ay ang laban ni Manny Pacquiao at ni Floyd Mayweather ng America. Matapos ang 12 rounds, itinanghal na panalo si Mayweather by unanimous decision. Maraming boxing fans ang nadismaya sa naganap na laban, at sa nagging resulta nito.
Eto ang ilan sa memes na ginawa ng netizens kaugnay sa kinalabasan ng laban.
“I don’t’have doubt to the Lord.”yan ang sagot ni Pacman noong tanungin sya kung ano ang magiging reaksyon nya kapag nagwagi si Floyd. Laging kasama ni Pacman ang Diyos sa lahat ng laban nya.
Naniniwala ako na kinukuha nya ang tapang, lakas, at ang confidence nya sa pananampalataya at tiwala nya sa Panginoon. Isang malaking dahilan yan kung bakit dapat yakapin si Pacman. Kahanga hanga ang ipinapakita ni Pacman, hindi lang sa mga Pilipino kung hindi sa buong mundo.
(Florentino Family with Pacman)
Sa kabila ng tagumpay at sa posisyon nya ngayon sa lipunan, tunay namang hindi sya nakakalimot sa kanyang pinagmulan. Isang patunay nyan ang pag tanaw ng utang na loob ni Pacman sa pamilyang minsan ay kumupkop sa kanya noong panahon na sya ay walang wala at halos mamatay na. Sa kabila ng pagiging pambansang kamao nya ay nananatili syang mapag kumbaba at matulungin sa ibang tao at sa mga taong hindi na naging iba sa kanya.
Hindi natin masisisi si Floyd sa pagyakap nya kay Pacman. Hindi nya matiis ang sobrang pag hanga sa 36 anyos na boksingero.
Iwasan na natin magalit kay Floyd, maaring hindi nya lang mapigilan ang kanyang sarili tulad nila. Yun na!