Politics

Sinalba Na, Pero Kulang Pa Din?!!

Posted on Updated on

redparcarey1

Sa pagbabalik ng ina ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas na si Celia Veloso, marami daw syang sisingilin.Madami daw silang pautang pero hindi daw ito ang kanyang tinutukoy. Malaki daw ang kakulangan ng Gobyerno ng Pilipinas kaugnay sa kinahinatnan ng kaso ng kanyang anak na si Mary Jane Veloso. Hindi daw umaksyon ang Gobyerno, ito ay sa kabila nang pagkaka udlot ng pagbitay kay Jane. Hindi daw kay P-Noy dapat magpasalamat kung hindi sa mga Filipino lawyers na nasa Indonesia. Isang malaking kabulaanan daw na si Pangulong Aquino ang gumawa ng paraan upang pansamantalang maalintala ang pagbitay sa kanyang anak.

Part-HKG-Hkg10173220-1-1-0

Naging mainit ang netizens sa balitang ito kaninang umaga.

netizens

Matapang na sinagot ni Pangulong Aquino ang mga isyung ipinupukol sa kanya ng naturang ginang. Ginawa na daw umano ng Gobyerno ang lahat upang matulungan ang pamilya Veloso. Nagbigay na ang Gobyerno ng legal counsels para kay Veloso at tinulungang makarating ang kanyang pamilya sa Indonesia. Nabanggit pa umano ng Pangulo na hindi naman sila ang lumikha ng problemang ito. Matatandaan na nahuli si Jane sa Indonesia sa panahon ng panunungkulan ni PGMA, noong 2010. Yun lang!