Month: December 2015
Bitter and the Bestie?
Nagwagi bilang best supporting actress si Maine Mendoza AKA Yaya dub sa naganap na Metro Manila Film Festival 2015 Gabi ng Parangal. Bukod pa dito ay nag wagi din ang kaniyang pelikula na My Bebe Love: Hastagpamore bilang 3rd Best Picture at ng Gatpuno award. Madami ang kumuwestyon sa mga awards na natanggap ng naturang pelikula dahil sa mas obvious na kwalidad ng ibang kalaban na pelikula tulad ng Honor Thy Father na pinagbibidahan ni John Lloyd Cruz. Walang nakuhang award ang mga pelikulang panlaban ng Star Cinema.
Inulan ng batikos ang naturang festival at inulan din ng mga negatibong komento mula sa netizens ang pelikula ng aldub couple.
Sa kasalukuyan ay patuloy na nangnunguna sa takilya ang My Bebe Love.